Reaksyon ni Sen. Sonny Angara sa SONA ni PBBM
Malinaw na nailatag ng Pangulong BBM ang kanyang mga nais maisakatuparan sa susunod na mga buwan at taon. Mahaba-haba ang listahan ng ating Pangulo at ito'y susuportahan at pagkakaisahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, lalo na ang mga nabanggit at plano niya para sa sektor ng agrikultura, kalusugan, turismo, enerhiya, imprastraktura, edukasyon at marami pang iba.
Matatayog at paniguradong hindi lakad sa parke ang mga ito. Klaro ang hinihiling niyang mataas na pamantayan na pagseserbisyo.