GILAS PILIPINAS, KAGILA-GILALAS! - ANGARA
HINDI tsamba!
Ito ang mariing pahayag ni Senador Sonny Angara, chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, kaugnay sa ikalawang pagkakataong pinataob ng Gilas Pilipinas ang koponan ng South Korea kahapon sa final score na 82-77.
Matatandaang tinawag na “lucky shot” ni South Korean coach Cho Sang Hyun ang bank shot ni Gilas player SJ Belangel nang magharap ang dalawang koponan noong nakaraang Miyerkules sa Angeles University Foundation sa Clark, Pampanga.